Martes, Setyembre 29, 2015
Ang Papel na Ginagampanan ng Wikang Filipino sa Mundo ng Teknolohiya
PANIMULA/KALIGIRAN
Ang pagkakaroon ng wika ay nagbibigay
daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t
ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng
isang bansa, sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at
pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Gamit ang sariling wika, maipapahayag
natin ang ating damdamin at saloobin sa ibang tao.Ito rin ang isang dahilan
kung bakit may kapayapaan at pagkakaisa sa isang bansa. Ito ay kayamanan ng
isang bansa, hindi ito matutumbasan ng ginto o salapi. Hindi rin ito mananakaw
dahil ito ay sariling atin, ang dapat lang natin gawin ay mahalin at
pahalagahan ito.
Sa panahon ng
makabagong teknolohiya, ang ating wikang Filipino ay napapagitnaan ng
napakaraming wika mula sa ibang bansa, at minsa’y ang ibang wika ang
pinapahalagahan kaysa sa ating sariling wika. Sa mundo ng teknolohiya, ang mga
websites tulad ng Facebook, Twitter at Google ay maaari mo
nang magamit sa wikang Filipino, kaya huwag nang mag-alala kung hindi
makaintindi ng mga banyagang salita, gamitin na ang sariling wika. At sa
paglalahad ng mga opinyon, balita, at mga nangyari sa iyong buhay,
pwedeng-pwede mong gamitin ang wikang Filipino.
Sa panahon ng
makabagong teknolohiya kung saan mga iba’t-ibang lengwahe ang nangingibabaw,
huwag mag-alinlangan, at ipaglaban ang nakasanayang wika – ang Filipino. Kaya
nating maipagmalaki ang ating sariling wika – saan man, kailan man, at sa
napakaraming paraan. Gamitin natin ang wikang pambansa, maging ilaw man at
lakas sa tuwid na landas, o susi sa pagka-Pilipino.
Ang wika ay
mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa ito ay
biyayang galing sa diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita, at nararanasan sa kanyang
kapaligirang ginagalawan. Ang wika ang nagsisilbing
kasangkapan kung bakit ang mga tao ay nagkakaintindihan at nagkakaunawaan at
dahilan ng pagkakabuklodbuklod ng mga tao sa mundo.
Ang teknolohiya
ay nagsisilbing material para sa ipagpapadali ng mga gawain ng tao sa pang araw
araw napamumuhay.
Subalit
ano nga ba ang tulong ng teknolohiya sa ating wika? Nililinang ba ito ng
teknolohiya o meron ba itong masamangepekto? Kung pagbabasihan parehas naman
itong nakakabuti at nakakasama pero depende narin ito sa mga taong gagamit.
Meron din naman itong mabuting epekto sa atin tulad na lang ng paglago ng
ekonomiya ng bansa at pagtaas ng kaalaman ng mga Pilipino.
MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN
Ang Papel na Ginagampanan ng Wikang Filipino sa Mundo ng
Teknolohiya. Ito ang naisip namin na titulo para sa aming adbokasiya
dahil sa aming pananaw ito ay makakapukaw ng atensyon ng iba pang mga mag-aaral
o mamamayan na interesado sa mga ideya tungkol teknolohiya. Lalong lalo na sa
panahon ngayon na kung saan ang teknolohiya ay laganap na bilang kasangkapan sa
pakikipagkomunikasyon. Teknolohiya rin ang dahilan kung bakit napapadali ang
ibang gawain.
RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN
Ibinatay namin ang aming
paksa sa aming kurso. Kami ay mag aaral na kumukuha ng kursong Management
Technology na may kinalaman rin sa teknolohiya. Ito ang pinagkuhanan namin ng
ideya para kami ay makabuo ng isang paksa o adbokasiya namakakatutulong upang
maipaliwanag o maliwanagan sa tulong na nagagampanan ng ating wika sa
teknolohiya.
Mithiin namin na maging instrumento ang teknolohiya upang mapalaganap ang ating
wika,hindi lamang dito sa ating bansa kundi pati na rin sa iba pa. Mithiin din
namin na mapalaganap ito at patuloy na mahalin at ingatan bilang sariling atin.
Layunin
ng konseptong papel na ito na lalo pang mamulat ang sambayanan, lalo na ang mga
mag aaral, sa kahalagahan ng pagpapaunlad, pananaliksik at pagpepreserba ng
wika gamit ang teknolohiya. Layunin din nito na maging kasangkapan tungo sa
karunungan at kaunlaran.Gamit ang teknolohiya, maipapahayag natin ang ating
saloobin sa ibang tao. At sa paggamit din nito maippalaganap natin ang
Wikang Filipino,upang mahikayat ang iba na pahalagahan at mahalin ang sariling
atin.
BENEPISYO
AT INAASAHANG RESULTA
Inaasahan namin na ang
teknolohiya ang siyang makapagmungkahi na ipalaganap ang ating sariling wika.
At sana ay maraming iba pang mag-aaral ang gumamit ng teknolohiya bilang paksa
nila sa gagawin nilang adbokasiya dahil sa henerasyon ngayon ang teknolohiya
ang isa na sa mga pangunahing kasangkapan ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon
Inaasahan din naming na maging maganda ang epekto nito sa ibang tao,hindi
lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa iba pang tao na malaki ang
impluwensiya ng teknolohiya. Gusto nila mapadali ang kanilang gawain, at gusto
din nilang pahalagahan ang Wikang Filipino at para na rin maikalat nila ang
kahalagahan nito.
Kaya rin nating makatulong para sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino.
Ipakita at patunayan natin sa iba na minamahal at pinapahalagahan natin an
gating wika. Kailangan lang natin magtiwala sa sarili natin, na kaya nating
gawin yung mga bagay na sa una ay inaakala natin na hindi natin kaya. Gamitin
natin ang ating talino
at sariling pamamaraan kung paano natin ito magagawa sa tulong ng teknolohiya.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)